Disconnection activities ng Meralco, suspendido hanggang Agosto 31

Disconnection activities ng Meralco, suspendido hanggang Agosto 31

SINUSPINDE na ng Meralco ang lahat ng disconnection activities nito hanggang Agosto 31.

 

Dahil dito, makakasiguro ang mga consumers na walang ilalabas na disconnection notice ang Meralco hanggang sa nasabing petsa.

 

Maaari pa itong ma-extend hanggang sa Setyembre o sa mga susunod pang mga buwan depende sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa.

 

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, nakatutok ngayon ang kompanya sa pagtitiyak na mayroong stable na electricity connection ang lahat ng customers nito.

 

Dagdag pa nito, kahit 25% lamang ng bill ang bayaran ng mga customers ay hindi ito puputulan at maaaring installment na lamang ang nalalabing 75% na bayarin.

 

Ngayong buwan ay aabot na sa pitong milyong customers ang nagawan ng reading ng Meralco.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.