Disiplina at pagkakaisa, pangunahing dahilan ng pag-unlad ng Tarlac City

Disiplina at pagkakaisa, pangunahing dahilan ng pag-unlad ng Tarlac City

DISIPLINA sa sarili, good governance, at pagkakaisa, ito ang mga pangunahing sangkap sa paglago at pag-unlad ng Tarlac City ayon sa kauna-unahang babaeng alkalde ng lugar.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News North Central Luzon kay Tarlac City Mayor Cristy Angeles, isa sa kaniyang naging hamon matapos mahalal sa posisyon ay ang disiplina sa sarili ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan.

Karamihan aniya sa mga ito ay late nang pumapasok sa trabaho, maagang umuuwi, at kung minsan pa’y nawawala kung kaya bilang lider ay naging halimbawa aniya ang alkalde upang magkaroon ng disiplina sa sarili ang mga tauhan ng lokal ng pamahalaan.

“So, we started with good governance, we started by leading by giving good example to them, si Mayor maagang pumapasok, si Mayor ginagabi na, nasa Mayor’s Office pa, si Mayor kahit Sabado-Linggo tuluy-tuloy lang din ang pagtanggap niya ng bisita kahit pa kailangan gawin ito sa pamamahay nila. So in a way na parang na re-educate namin ang ating mga city hall employees kung paano mamalakad ng ating city hall with good governance at nasa puso ang serbisyo,” ayon kay Mayor Cristy Angeles, Tarlac City, Tarlac.

Ipinamulat nito sa mga tauhan ng lokal na pamahalaan ang isang bagong panunungkulan na may tapang, pagkakaisa, at pagtutulungan.

“Tandaan po ninyo ang kultura ng dala-dala ko, kakaiba sa kulturang kinagisnan ninyo sa nakaraang administrasyon. I am here to transform our city and I cannot do this alone. Kailangan po natin ng pagtutulungan. Kapag ako po nakarinig ng hindi maganda to anyone of you, ako po mismo I will be force to remove you and terminate you, kaya ilabas po natin ang galling natin, ipakita po natin na dito sa city hall we are working together as a team,” dagdag ni Mayor Angeles.

Dahil sa magandang pamamahalang ito ng Tarlac LGU, isa ang lugar sa napili ng mga investor na pagtayuan ng 3rd biggest agro industrial estate sa bansa na naunang inilunsad sa Cebu, Lima, Batangas, at ngayo’y sa Tarlac.

Kung kaya naniniwala ang alkalde na ang pagkakaisa at magandang pamamahala ay malaking salik sa pag-unlad ng naturang bayan.

“I do believe that with good governance at saka ‘yung sinisigaw kong pagkakaisa lagi bawat oras, sama-sama magkaisa in a way is a big big help for all of us kasi na-prove po naming na with unity we can achieve and ‘yung good governance na sinasabi ko, if a leader leads by example, all else will follow,” wika ni Mayor Angeles.

Sa kabila nito, patuloy ang pagtatayo ng mga imprastraktura sa lugar gaya ng gymnatorium, river dike, Tarlac City General Hospital at Tarlac City Dialysis Center na makatutulong sa pagbibigay ng maayos na kalusugan sa mga residente.

May nakalaan ding P2-M bawat isa na Constituency Development Fund (CDF) Project para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa 76 na barangay sa lugar.

Kaugnay rito, hindi maikakaila na sa bayan ng Tarlac nagsimula ang mga revolutionary group at makakaliwang grupo kung kaya malaking bagay aniya ang pagkakaroon ng Executive Order No. 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang tuluyang mawakasan ang insurhensiya sa lugar.

Itong ELCAC na ito, ipinakikita ng gobyerno hindi namin kayo kalaban hindi namin kayo kaaway, in fact we are your partners, magtutulungan tayo kaya ‘yung assistances, help na na-e-extend po sa ating mga insurgents o sabihin na natin mga leftist before, now back to the law na sila kasama na natin sila living peacefully with us sa city natin, malaking factor po ‘yung ipinakitang ELCAC, extending help ng national government sa ating mga kababayan. I can say we’re very peaceful kasi wala na pong insurgency dito, wiped out na po at pati sa drug abuse natin, awardee po tayo, malinis po ang pamamalakad ngayon dito sa lungsod at sa buong lalawigan,” ayon sa alkalde.

Samantala, iniimbitahan ni Angeles ang publiko na bisitahin ang ipinagmamalaking Tarlac City Wonderland Plaza at alamin ang kultura ng mga Tarlaqueño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble