PORMAL nang umupo si Police Brig. Gen. Westrimundo Obinque bilang ika-41 Regional Director ng PRO 5.
Ang change of command ceremony ay pinangunahan ni PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin, Jr. sa Camp Ola, Legazpi City, Albay.
Pinalitan ni Obinque si PBGen. Rudolph Dimas na itinalagang bagong director ng PNP, Special Action Force (SAF).
Sa talumpati ni Azurin, hinikayat niya si Obinque na palakasin pa ang buong puwersa ng pulisya sa Bicol para tuluyang matamo ang kapayapaan at kaunlaran.
Habang tiniyak ni Obinque na sa kanyang pamumuno ay bibigyang-diin at saysay ang salitang wastong disiplina para sa organisadong pamayanan at pulisya.
Si Obinque ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw Diwa Class of 1992 at dating Deputy Director for Comptrollership at Regional Director ng PRO 1.