Desisyon sa Dacera case, inaasahang ilalabas na sa susunod na linggo

SA susunod na Linggo, Pebrero 11 muling itutuloy ang preliminary investigation kaugnay sa case ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera nitong nakaraang Bagong Taon sa isang hotel sa Makati City.

Kaugnay dito, umaasa ang kampo ng mga respondents na matatapos na ang kinakaharap na isyu at mga akusasyon kaugnay sa paratangang na may kinalaman ang mga ito sa pagkamatay ni Christine.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang paninindigan ng diumanoy mga sangkot sa insidente, na wala silang kinalaman sa krimen.

Sa ikatlong pagdinig sa kaso, muling nagharap-harap ngayong araw ang mga inaakusahan labin isang respondents at complainant sa kaso sa tanggapan ng Makati City Prosecutors Office.

Dito nagsagawa ng sworn statement ang lahat ng respondents para sagutin ang parating laban sa kanila.

Giit pa ng abogado nina John Pascual dela Serna III, Rommel Galido y Daluro, John Paul Halili y Reyes, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, at  Valentine Rosales na malaki ang tsansa ng kanilang kliyente matapos lumabas ang opisyal na medicolegal report ng PNP Crime Laboratory na natural cause ang ikinamatay ni Christine.

Samantala, bigo pa ring naisumite ng PNP ang hinihintay na results ng toxicology report ni Christine Dacera dahil sa hindi pa natatapps na pagsusuri ng UP Manila Laboratory kung saan final ng PNP ang di pa natukoy na sample ng likido na nakuha sa crime scene.

Nauna nang binanggit na isang vomit sample o suka ang nakuha ng PNP mula kay Christine Dacera at nakatakda itong isailalim sa pagsusuri, pero binawi agad ito at sinabing nasa kamay pa ito ng UP Manila Laboratory ang pag-aaral dito.

Bagay na nagdulot pa ito para mapatagal pa ang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Christine.

Sa acting personal na pakikipanayam off cam sa mga respondents, aminado sila na mahirapan at napapagod na din sila sa kaso, at nais nang tuldukan ang isyu kasabay nito ang pag-asang maresolba na ang kaso sa lalong madaling panahon.

SMNI NEWS