Diskriminasyon ng isang direktor ng DOT sa SMNI, hindi nakabubuti sa ahensiya

Diskriminasyon ng isang direktor ng DOT sa SMNI, hindi nakabubuti sa ahensiya

“Itong ugaling ganito ay hindi dapat na humaharap sa media. Kung may discrimination kayo, may bias kayo—ewan kung saan kayo galing at anong pinaghuhugutan ng director na ito na ang pangalan ay Ina—masama iyon, kasi alam ninyo ang SMNI is for nation-building. Hindi kami nandirito para sirain ang pamahalaan na i-cancel ninyo ang mga SMNI reporters na dumadalo sa mga invite ninyo sa event ng gobyerno, lalo na sa Department of Tourism,ito ang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy patungkol sa diskriminasyon ng isang direktor sa Department of Tourism (DOT) sa mga reporter ng SMNI.

Hindi lang isang beses nangyari ang diskriminasyon ng naturang direktor, matatandaan na tatlong reporter na ng SMNI ang nakaranas mula rito.

Kaya naman ayon kay Pastor Apollo, hindi nakabubuti na biased ang direktor lalo na sa ahensya at mukha ng turismo.

“It’s not good for you. It’s not good for the face of tourism, tourism pa naman. Hindi maganda iyong ugaling ganyan sa tourism eh. Tourism, kailangan hospitable, kailangan pleasing personality, kailangan mapagkumbaba. The face of tourism should be like that, it should not be biased, it should not be prejudiced, it should not be rude,” ayon pa sa butihing Pastor.

Muli namang iginiit ng butihing Pastor na ang SMNI ay para sa ‘nation-building’.

“Dito, kami na ang nagmamagandang-loob para ilahad ang lahat ng ginagawa ng ating pamahalaan para sa ating bansang Pilipinas, kasi mahal natin ang Pilipinas,” ayon kay Pastor Apollo.

Matatandaang isinali ng butihing Pastor ang tagline na ‘Para sa Pilipinas kong Mahal’ sa lahat ng programa at pagbabalita sa SMNI.

Patunay lamang na buong pusong inilalaan ang SMNI para sa interes ng bansa.

Sa huli, ani Pastor Apollo, ang mga mali at mga taliwas sa interes ng bansa lamang ang pinupuna ng SMNI.

 

Follow SMNI News on Twitter