Diskuwento sa bayarin sa kuryente sa Lifeline Rate program, ipatutupad sa Sept. 15

Diskuwento sa bayarin sa kuryente sa Lifeline Rate program, ipatutupad sa Sept. 15

NAGTAKDA na ng petsa ang pamahalaan para sa implementasyon ng Lifeline Rate Program.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), mag-uumpisa na ito sa Setyembre 15 ang pagbibigay ng diskuwento sa bayarin sa kuryente sa ilalim ng naturang programa.

Kabilang sa makatatanggap ng diskuwento ang mga bahagi ng lower-income bracket at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang nasabing programa ay isang subsidized rate na ibinibigay sa mga kuwalipikadong low-income electricity customers, na walang kakayahan na bayaran ang kanilang kuryente ‘in full cost’.

Kung ang isang customer ay nasa ‘below poverty threshold’ na itinakda ng Philippine Statistics Authority (PSA), maaaring isumite ang sertipikasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapatunay na siya ay nasa below poverty threshold sa nakalipas na anim na buwan.

Samantala, nakadepende naman ang bawas sa babayarang electricity bill sa prevailing rates ng Distribution Utility (DU) o Electric Cooperative (EC) Service.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble