MAAARING mag-avail ng cash assistance mula sa gobyerno ang mga manggagawa ng Nissan at Makati Shangri-La.
Ito ay matapos inanunsyo ng dalawang kompanya na magsasara ng kanilang operasyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, entitled ang mga displaced worker sa one-time cash aid na P5,000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE.
Aniya, ang programa ay may P3 bilyong budget partikular na para sa tourism workers na apektado ng pandemya.
Tiniyak ni Bello na may pondo pa sila lalo na para sa mga nagtatrabaho sa hotels.
Sa ngayon, sinabi ng Labor chief na wala pa siyang natatanggap na notice of termination mula Nissan at Shangri-La.
Sa anunsyo ng Makati Shangri-La, pansamantala silang magsasara simula sa Pebrero 1 habang simula Marso naman ititigil ang car assembly operations ng Nissan sa Sta. Rosa, Laguna.