Disqualification sa kandidato, kailangan pa rin kahit natalo na sa eleksyon

Disqualification sa kandidato, kailangan pa rin kahit natalo na sa eleksyon

NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na kailangan pa rin i-disqualify ang isang kandidato kahit ito ay natalo na sa eleksyon.

Ipinaliwanag ng COMELEC 2nd Division na bagama’t natalo sa pagka-gobernador sa Palawan si Joel Reyes nitong nagdaang eleksyon ay dapat pa rin itong idiskwalipika, batay sa naunang Supreme Court decision na nagsabing ang disqualification case ay pagpapakita ng isang makatuwirang isyu na dapat lutasin at desisyunan ng COMELEC.

Inilabas ng COMELEC ang disqualification laban kay Reyes dahil may nakabinbin pa itong warrant of arrest sa pagpatay sa radio broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega.

Nadiskwalipika si Reyes kasunod ng petisyon nina Nasir Radjudin Miranda at Mohammad Vinarao Asgal, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti -Graft and Corrupt Practices Act, at RA.7160 o Local Government Code of 1991.

 

Follow SMNI News on Twitter