IPINAG-utos ng Department of Education (DepEd) na magpatupad na ng distance learning ang lahat na pampublikong paaralan sa bansa ngayong April 8, 2024.
Ang mga pampribadong paaralan bagamat hindi saklaw sa utos ay maaari ring magpatupad nito sa kaparehong araw.
Paliwanag ni DepEd Usec. at spokesperson Michael Poa, apektado ang April 8 sa sunod-sunod na holiday kung kaya’t mainam na ipatupad na lang ito.
Para na rin aniya matapos ng mga mag-aaral ang kanilang mga naka-pending na assignments, projects at iba pang school works.
Ang sunod-sunod naman na holiday ay ang araw ng kagitingan sa April 9 at Eid’l Fitr sa April 10.
Samantala, ang mga teaching at non-teaching personnel sa pampublikong paaralan ay hindi na kailangan pumunta o mag-report sa kanilang assigned areas.