Distribusyon ng Astrezeneca Covid-19 vaccines sisimulan na

Distribusyon ng Astrezeneca Covid-19 vaccines sisimulan ngayong araw o bukas. Posibleng sisimulan na ng pamahalaan ang distribusyon ng Astrazeneca Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong biyernes o bukas, araw ng sabado.

Ito ang inihayag ni Covid-19 Testing Czar at National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon.

Sa pamamagitan ng Global Vaccine-Sharing Initiative Covax Facility, nasa 487,200 dosis ng Astrazeneca vaccine ang dumating sa bansa kagabi na mainit namang tinanggap ni President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Dizon, muling makatatanggap ng Astrezeneca jabs ang mga hospital na nakatanggap na ng Sinovac Covid-19 vaccine na mula China.

Sinabi ng Testing Czar na ito ay para may pagpipilian na bakuna ang mga healthcare worker.

Muli namang binigyan-diin ni Dizon na ang distribusyon ng Astrezeneca Covid-19 ay para narin sa 1.7 million healthcare workers sa buong bansa ang prayoridad na makatanggap ng nasabing bakuna.

SMNI NEWS