Distribusyon ng ayuda sa ‘NCR Plus’ 75% na —DILG

Distribusyon ng ayuda sa ‘NCR Plus’ 75% na —DILG

NAKATANGGAP ng one-time cash assistance o ayuda ang 75% ng mga benepisyaryo sa Metro Manila at sa apat na katabing lalawigan nito (NCR Plus) na inilagay sa Enhance Community Quarantine (ECQ) noong nakaraang Marso 29.

(BASAHIN: 22.9 million indibidwal sa NCR Plus, makatatanggap ng ayuda na P1,000)

Ayon ito sa inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año.

Na sa mahigit 22 milyong benepisyaryo sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble, nasa 17,037,122 na ang napamahagian ng ayuda mula ng national government.

Ang lalawigan ng Laguna aniya ang may pinakamataas na distribution rate.

Sa 2,718,083 beneficiaries ng lalawigan, 2,307,825 o 84.91% na ang nabigyan ng cash aid.

Sumunod naman ang Metro Manila na may 77.26% distribution rate at ang lalawigan ng Bulacan na may 73.08%. 66.61% naman ng mga beneficiary sa lalawigan ng Rizal ang nakatanggap na ng tulong pinansyal habang 63.53% na sa lalawigan ng Cavite.

Kasalukuyan namang umaabot sa 60,000 ang natanggap nilang reklamo.

Saad ng Interior Secretary Año, 24, 421 dito ang naresolba na, 39,781 ang sinasailalim pa sa deliberasyon, at ang natitira ay ni-refer sa mga kinauukulang ahensya.

Target naman ng kagawaran na matapos ang lahat sa Mayo 15.

SMNI NEWS