PINALAWAK pa ng Dito Telecommunity ang kanilang serbisyo sa 21 pang mga lungsod kabilang ang 18 lugar sa Luzon.
Sa isang pahayag, sinabi ng Dito na simula ngayong Biyernes, Abril 16 ay magagamit na ang kanilang serbisyo sa sumusunod na mga lugar:
Lipa City (Batangas)
Malvar (Batangas)
Santo Tomas (Batangas)
Tanauan (Batangas)
Silang (Cavite)
Tagaytay City (Cavite)
Calamba (Laguna)
Los Banos (Laguna)
Baliuag (Bulacan)
Palayan (Nueva Ecija)
Santa Rosa (Nueva Ecija)
Science City of Munoz (Nueva Ecija)
Talavera (Nueva Ecija)
Cabanatuan City (Nueva Ecija)
Capas (Tarlac)
Concepcion (Tarlac)
Gerona (Tarlac)
Tarlac City (Tarlac)
General Santos City (South Cotabato)
Compostela (Cebu)
Cordova (Cebu)
Ibinebenta na rin ang mga Dito sim card sa 300-partner stores nito at magiging available din ito sa lalong madaling panahon sa 3 Dito-owned stores sa Cebu at Davao.
Marso 8 nang isagawa ang commercial launch ng Dito, ang ikatlong telco sa Pilipinas sa ilang lugar sa Cebu at Davao.
(BASAHIN: Franchise renewal ng DITO aprubado na sa Senate panel)