PINALAWIG pa ng DITO Telecommunity ang serbisyo nito sa iba pang lugar sa Luzon.
Kabilang sa mga lugar ang Plaridel, Bulacan, San Fernando City, Pampanga, Gapan City, Nueva Ecija; San Leonardo, Nueva Ecija; San Jose City, Nueva Ecija na matatagpuan sa Central Luzon.
Kabilang naman sa mga lugar sa South Luzon ang Ibaan, Batangas; Batangas City, Batangas; Kawit, Cavite; Bacoor City, Cavite; at Imus City, Cavite.
Sa Visayas ang Toledo City, Cebu; Balamban, Cebu; at Barili, Cebu.
Sa Mindanao ang Santo Tomas, Davao del Norte; at Braulio E. Dujali, Davao del Norte.
Nangako ang bagong telco company na magbigay ng average broadband speed ng 27 megabits per second, na sasaklaw sa 37% ng population ng bansa sa unang taon ng operasyon nito.