POSIBLENG nang magsimulang magbigay ng serbisyo ang Dito Telecommunity sa Marso ng taong ito.
Ito ay matapos na makapili ang kompanya ng independent auditor na mangangasiwa sa kanilang technical audit.
Sa pamamagitan nito ay masusuri na kung naabot ba ng Dito ang kanilang commitment na hindi bababa sa 27 MBPS internet speed sa 37% ng bansa o katumbas ng 7,425 baranggay.
Ayon sa Dito, ang RG Manabat & Co. ang mangangasiwa ng naturang field test na isasagawa sa ilang prosiyento ng kanilang 1,600 cell sites na nakakasakop sa 8,800 barangay.
Inaasahang matatapos ang audit sa loob ng 30 araw at karagdagang 15 araw para sa paghahanda ng final report.
Gayuman, inihayag ng pamunuaan ng Dito na hindi makaaapekto ang magiging resulta ng audit sa kanilang planong commercial roll-out sa Marso.
Ang Dito Telecommunity ang napili sa bidding bilang ikatlong major telco player ng bansa.