IPAGDIRIWANG ang Father’s Day sa Sorsogon sa pamamagitan ng pangangalaga sa inang kalikasan sa isasagawang clean-up drive na pangungunahan ng mga diving enthusiasts habang patuloy naman ang pamamahagi ng ayuda sa ilang mga Brgy. na nasailalim ng granular lockdown.
Sa June 20, 2021 kaugnay sa selebrasyon ng buong mundo sa Father’s Day, ang grupo ng mga divers sa pangunguna nina Ryan Dominguez at Rodel Lita, ang samahan ng mga scuba divers sa buong probinsya ng Sorsogon ay nagkaisang sisisid upang linisin ang karagatan partikular na ang coastal waters ng Sta. Magdalena Town.
Layunin ng proyekto na pangalagaan ang inang kalikasan mula sa mga basurang nakakasira sa mga yamang tubig.
Hindi maikakaila nang dahil sa pandemyang COVID-19 marami ngayon ang mga gamit na mask ang napapadpad sa karagatan kasama na ang iba’t ibang uri ng basura na nakakasira sa dagat at nakakaapekto sa mga marine life.
Ang aktibidad na ito ay bukas sa mga natives of Sorsogon lamang upang lalong ma-promote ang turismo sa buong probinsya.
Samantala, aabot sa mahigit 100 pamilya ang nabigyan ng ayuda mula sa 5 mga barangays na isinailalim sa granular o diametric containment makaraang may nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang mga pamamahay o compound.
Ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pangunguna ni Mr. Josie Jadie ay agad na ikinasa ang pamamahagi ng mga pangangailangan ng naturang mga kababayan na apektado ng lockdown sa barangay na ito ay mula sa Pangpang, Bibincahan, Balogo (east) Burabod at Salog.
Target ng mga divers na ma-preserve ang Sorsogon East Coast at mapanatili ang kalinisan sa kabila ng pandemya. Habang muli namang nanawagan ang lokal na pamahalaan na patuloy na gawin ang ibayong pag-iingat at sundin ang mga minimum health standards sa lungsod.
(BASAHIN: Libreng training at allowance sa Camarines Sur, ipinamahagi)