MULING isusulong ni Senador Pia Cayetano ang Divorce Bill sa 19th Congress.
Sa pagsusulong ng panukala, binigyang-diin ng senadora ang kahalagahan ng pagprotekta sa kapakanan ng dalawang partidong nasa loob ng isang kasal.
Ayon kay Cayetano, may mga pagkakataon na ang mga kababaihan – kahit pa ang mga kalalakihan – ay nakararanas ng pang aabusong pisikal at mental.
Kaya naman layon aniya ng Divorce Bill na magkaroon ng mas malawak na opsyon ang mga nasa ganitong relasyon na makalaya.
Matatandaang sinabi ni President-elect Bongbong Marcos na pabor siya sa pagsasa-legal ng divorce sa Pilipinas basta’t hindi ito dapat gawing isang madaling opsyon para maghiwalay ang mag-asawa.