NAGKASUNDO ang Department of Migrant Workers (DMW) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na paunlarin ang ‘skills’ at ’employability’ ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement, magsasagawa na ang DMW at TESDA ng skills at livelihood training programs para sa mga OFW.
Makakabenepisyo rin sa naturang agreement ang dependents ng OFWs ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac.
Sa naging signing ceremony ng MOA, nasa 249 na scholarship training certificates ang inisyal na ibinigay sa pili at kwalipikadong beneficiaries.