INILUNSAD na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang One Repatriation Center (One Repat-DMW) na naglalayong makapaglaan ng mabilis na tugon sa repatriation, kalagayan, at ipa pang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, masisiguro ng One Repat-DMW na mabibigyan ng mabilis na tulong ang mga distressed OFWs na kailangang umuwi sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.
Ani Ople, ang nangangailangang OFW, kapamilya, o kahit kakilala lamang nito ay kailangang tumulong sa One Repat-DMW hotline kung saan tutulungan ang mga ito ng mga case officers, welfare officers, at medical professionals sa kanilang mga pangangailangan.
Sinabi rin ng kalihim ng DMW na makikipag-tulungan ang center sa DFA partikular na sa mga lugar na walang mga Labor office.