DMW, kinumpirmang walang Pilipinong nadamay sa pagguho ng isang gusali sa Saudi Arabia

DMW, kinumpirmang walang Pilipinong nadamay sa pagguho ng isang gusali sa Saudi Arabia

KINUMPIRMA ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na walang sugatang Pilipino sa nangyaring pagguho ng isang gusali sa Saudi Arabia.

Nangyari ang insidente noong Biyernes, Mayo a-trentay uno sa Jeddah.

Ani Cacdac, binisita ng Migrant Workers Office sa Jeddah noong araw ng linggo ang pinangyarihan ng insidente at ang ilang ospital sa lugar para suriin kung may mga Pilipinong isinugod para gamutin.

Matatandaan na iniulat na may walo katao ang nailigtas mula sa gumuhong gusali.

Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng Migrant Workers Office sa Jeddah ang sitwasyon para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino doon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter