HINDI hahayaan ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpatuloy ang broker arrangements sa pagde-deploy ng mga seasonal worker sa South Korea.
Dahil dito nagbabala si Secretary Hans Leo Cacdac sa mga broker na sangkot sa ganitong aktibidad partikular na sa mga empleyado ng local government unit (LGU).
“We are still continually filing the appropriate cases with the DOJ and will not hesitate to do so if this broker arrangements continue, LGU level, even some of them LGU employees we have filed cases against them,” pahayag ni Sec. Hans Leo Cacdac, DMW.
Ito ang babala ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa mga broker na nagpapadala ng mga seasonal Pinoy worker sa South Korea.
Sinabi ni Cacdac na nakikipag-coordinate na sila sa Department of Justice (DOJ) para tutukan ang mga illegal recruitment, ginagawa rin nila ito para tuluyan nang matuldukan ang brokering system.
Giit ni Cacdac, ang ganitong paghihigpit ng DMW ay dahil sa marami na silang natatanggap na ulat kung saan ang mga manggagawa ay sinisingil mula sa P30-K hanggang P100-K at obligado silang bayaran ito sa pamamagitan ng salary deduction.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay una nang sinabi ni Sec. Cacdac na nais na niyang dumaan sa DMW ang pagproseso sa mga seasonal worker sa South Korea.
Ito nga’y matapos nilang makatanggap ng mga reklamo patungkol sa hindi nababayarang sahod at kalagayan nila sa kanilang mga pinagtra-trabahuhan.
Noon kasi, ang mga lokal na pamahalaan lang ang nagpro-proseso sa mga seasonal worker.
LGU arrangement sa LGU ng Korea kaya nagkakaroon ng deployments ang mga seasonal worker kahit hindi pa ito dumaan sa DMW.
Dahil sa pakikipagtulungan ng DMW sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, nakapagtala ang kagawaran na limang libong seasonal workers na na-deploy sa South Korea.
“We have deployed 5,000 approved with the deployment of 5,000 who went through the DMW which is ..means we review their contracts, ensure the their insurance arrangement, medical insurance and other types of insurance type of arrangement for the workers and also that they are OWWA members,” pahayag ni Sec. Hans Leo Cacdac, DMW.
Sabi rin ni Cacdac, ang pag-deploy sa mga seasonal worker sa South Korea ay may bilateral agreement sa DFA at mayroon silang employment permit system sa National to National o Government to Government arrangements habang patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Korean Government.
“We are currently in talks with the Korean Government along thise lines, the dynamic is EPS factory workers and now the caregivers is also will be the ministry of labor, ang kausap diyan si Ministry of Labor with the seasonal farm worker, we talking to a different ministries, were talking to a ministry of justice,” ani Cacdac.