NAKIPAG-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Hong Kong Police Force upang palakasin ang proteksiyon para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa gitna ito ng nakababahalang pagdami ng mga kaso ng pagkakautang at pagpapakamatay sa hanay ng mga manggagawang Pilipino roon.
Sinabi ng DMW na ang mga insidenteng ito ay pangunahing dulot ng bigat ng mga pautang na may mataas na interes.
Batay sa datos, anim na OFW sa Hong Kong ang nagpakamatay noong taong 2023; lima noong 2024; at isa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.