DMWs, pinag-iingat ang mga Pilipino sa pag-aaplay ng trabaho overseas

DMWs, pinag-iingat ang mga Pilipino sa pag-aaplay ng trabaho overseas

IPINAPAALALA ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipino na mag-ingat sa pag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa.

Ito’y para maiwasan ang pagkakabiktima nito sa sindikato ng cybercrime.

Partikular na binanggit ang mga trabaho na available tulad ng call centers, IT-related jobs at gaming operations gaya ng POGO papunta sa mga bansang Cambodia, Laos, at Myanmar.

Ayon sa DMW, tumataas na ang bilang ng mga Pilipinong biktima ng mga sindikato ng cybercrime at human trafficking sa mga bansang nabanggit dahil sa paasang mataas na sweldo.

Upang maiwasan, payo ng DMW sa OFWs, kumpirmahin muna sa kanilang website ang nakikitang job hirings.

 

Follow SMNI News on Twitter