DND at KESCO, lumagda ng kasunduan para sa Solar Power Projects

DND at KESCO, lumagda ng kasunduan para sa Solar Power Projects

LUMAGDA ang Department of National Defense (DND) at Korea Electrical Safety Corporation (KESCO) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa Solar Power Projects.

Ginawa ang paglagda sa MOU sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Ang MOU ay para sa pagbuo at pagpatutupad ng Solar Power Projects sa mga piling pasilidad ng DND sa buong bansa, kabilang ang Camp General Macario Peralta Jr, Jamindan, Capiz sa Central Visayas at Camp Kibaritan, Kalilangan, Bukidnon sa Mindanao.

Gayundin sa iba pang pasilidad ng DND, na may paunang kapasidad na 50 at 100 megawatts.

Pinasalamatan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang KESCO sa kabutihang-loob at mahalagang kontribusyon nito sa renewable energy projects sa bansa.

Ang KESCO ay isang government corporation sa ilalim ng MOTIE-ROK sa Seoul, South Korea.

Follow SMNI NEWS in Twitter