ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palakasin ang mga internasyonal na ugnayang pang-depensa, kumatawan si Senior Undersecretary Irineo Espino sa Philippine Department of National Defense (DND) sa Honolulu Defense Forum (HDF) nito lang kamakailan na ginanap sa Hawaii.
Si Espino ay sumali sa mga pangunahing opisyal mula sa Australia, Canada, at Estados Unidos upang talakayin ang kalagayan ng seguridad at mga kritikal na misyon na tumutugon sa mga hamon sa Indo-Pacific.
Sa plenaryo, itinampok ni Senior Undersecretary Espino ang mga hamon sa seguridad sa West Philippine Sea, binigyang-diin ang pangangailangan ng pinatibay na mga alyansa at pakikipagtulungan, pati na rin ang pagpapalakas ng mga kakayahan sa depensa.
Binanggit din nito sa nasabing aktibidad ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa industriya ng depensa upang mabigyan ng tamang kagamitan ang mga pwersa upang matiyak ang isang matatag na kinabukasan.
Ang HDF, na ipinagdiwang ng Pacific Forum, ay isang pangunahing kaganapan na nagtitipon sa mga pinakamalalapit na alyado at kasosyo ng Estados Unidos sa rehiyon upang magpalitan ng mga pananaw tungkol sa mga pangunahing isyu sa seguridad sa rehiyon.