WALA pang gumugulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at communist terrorist groups (CTGs).
Ito ang nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa AFP Leadership Summit 2023 sa Mabalacat City, Pampanga.
Ayon kay Teodoro, tanging exploratory talks pa lamang ang nangyayari sa magkabilang panig.
Dahil dito, magpapatuloy ang law enforcement operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa CPP-NPA-NDF.
Patuloy na tutugisin ng tropa ng gobyerno ang mga armadong grupo na banta sa katahimikan at seguridad ng bansa.
Nabatid na planong tapusin ng militar ang communist armed conflict ngayong taon.
Habang inanunsiyo ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang Suspension of Military Operations (SOMO) sa CPP-NPA-NDF ngayong Kapaskuhan.