DND, nanindigan sa positibong dala ng karagdagang EDCA sites sa bansa

DND, nanindigan sa positibong dala ng karagdagang EDCA sites sa bansa

NANINDIGAN si Department of National Defense (DND) spokesman Arsenio Andolong sa positibong hatid ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa matapos itong mapagkasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika sa pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin III.

Kasunod ito ng reaksiyon ni Cagayan Governor Manuel Mamba sa pagtutol nito sa karagdagang EDCA sites ng US Armed Forces sa Pilipinas.

Payo ng gobernador na dapat umiwas ang Pilipinas sa away ng Amerika at China.

Para naman sa pamahalaan, sinabi nito na ang EDCA sites ay makatutulong sa mas malakas na depensa nito sa mula sa iba’t ibang elemento ng panahon gaya ng mga kalamidad o climate change.

Kasama rin dito ang mabilis na tugon kaugnay sa disaster response pero higit aniya sa lahat ay ang dagdag na foreign investments nito sa bansa.

Sa ngayon, muling nilinaw ng ahensiya, na saka lamang iaanunsiyo ang pinal na lokasyon ng EDCA sites oras na matapos na ang requirements ukol dito.

Matatandaang, una nang hiniling ng Amerika ang pagtatayo ng kanilang military facilities sa mga lalawigan sa North Luzon kabilang dito ang Cagayan, Isabela, Palawan at Zambales.

Follow SMNI NEWS in Twitter