DND, nanindigang interes pa rin ng bansa ang ibinida ni PBBM sa pakikipagkita nito kay US Pres. Joe Biden

DND, nanindigang interes pa rin ng bansa ang ibinida ni PBBM sa pakikipagkita nito kay US Pres. Joe Biden

NILINAW ni Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong, na walang dapat ipag-alala ang publiko sa muling pagkikita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden sa Cambodia.

Ito ang pahayag ni Andolong sa eksklusibong panayam ng SMNI News.

Ayon sa opisyal, walang ibang interes ang Pangulo kundi maprotektahan ang teritoryo ng bansa lalo na sa military defense nito.

Bagamat, limitado ang opisyal sa napag-usapan ng dalawang lider sa sidelines sa ASEAN Summit sa Cambodia, aminado ang pamahalaan na malaki ang kontribusyon ng Amerika sa Pilipinas.

Ani Andolong, nagsisilbing key player ang Amerika sa depensa ng Pilipinas mula sa mga kagamitan, mga pagsasanay, pagtulong tuwing may mga kalamidad at sakuna na kinakaharap ang bansa.

Nauna nang kinumpirma ni National Defense OIC Senior Secretary Jose Faustino Jr. ang mungkahi ng Amerika na magtayo ng 5 pang panibagong estasyon sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa DND, alam ng Pangulo ang ginagawa niya at hindi ito papayag na makompromiso o malagay sa alanganin ang bansa.

Sa pagdiriwang ng ika-83 taong anibersaryo ng ahensiya, tiniyak nila na nasa mabuting kamay pa rin ang teritoryo ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter