DND, naniniwalang walang problema sa pakikipag-ugnayan sa bagong NSA

DND, naniniwalang walang problema sa pakikipag-ugnayan sa bagong NSA

NANINIWALA si Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr. na walang magiging problema sa kanyang ugnayan sa bagong National Security Adviser (NSA).

Aniya, may sapat na kakayahan si Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser na tugunan ang iba’t ibang security concerns ng bansa.

Matagal na ring kaisa si Año sa whole-of-nation approach hinggil sa national security lalong-lalo na ang kontra insurhensya at terorismo.

Kung matatandaan, si Año ay military chief noong Marawi Seige taong 2017 at si Galvez naman ang isa sa ground commanders.

Pawang si Galvez at Año ay miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI News on Twitter