DND, pinabulaanan ang umano’y mga kasunduan sa pagitan ng Chinese officials hinggil sa Ayungin Shoal

DND, pinabulaanan ang umano’y mga kasunduan sa pagitan ng Chinese officials hinggil sa Ayungin Shoal

PINABULAANAN ng Department of National Defense (DND) ang sinabi ng ilang Chinese officials na mayroon silang dalawang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas noong nakaraang taon para mabawasan ang tensiyon sa Ayungin Shoal.

Sa pahayag ni DND Sec. Gibo Teodoro, wala siyang alam sa sinasabing internal agreement kasama ang China simula nang umupo sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi pa ng kalihim na hinding-hindi sila kailanman papasok sa isang kasunduan na magkokompromiso sa soberaniya at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kung saan sakop ang Ayungin Shoal.

Ang Ayungin Shoal ay isang lumubog na reef sa Spratly Islands sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble