DND, pinasalamatan ang lumahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

DND, pinasalamatan ang lumahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

NAGPASALAMAT ang Department of National Defense (DND) sa lahat ng nakiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw Hunyo 8, 2023.

Sa mensahe ni Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairperson Gilbert Teodoro na binasa ni Defense Usec. Angelito de Leon sa aktibidad sa Mandaluyong City, ipinaalala ng kalihim ang pagiging alerto ng publiko upang mailigtas ang sarili at ibang tao sa panahon ng sakuna.

Hinimok nito ang bawat isa na aktibong makilahok sa mga ginagawang paghahanda ng gobyerno sa lindol upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.

Ganap na 9am nang isagawa ang ceremonial pressing of the button para patunugin ang sirena at hudyat para mag-duck, cover, at hold position.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Economic and Development Authority (NEDA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Office of Civil Defense (OCD), Mandaluyong City local government unit, at Greenfield Development Corporation (GDC).

Nasubaybayan din ang NSED sa Facebook page ng OCD at NDRRMC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter