IBINAHAGI ni Doc Willie Ong na tatakbo siya bilang senador ngayong 2025 midterm polls.
Sa kaniyang social media post, healthcare ng bansa ang kaniyang tututukan.
Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko ni Doc Willie na may sakit itong sarcoma, isang uri ng tumor.
Sa kabila nito ay naniniwala ang doktor na makaka-recover siya mula sa sakit sa tulong ng Panginoon upang pagsilbihan ang mga Pilipino sakaling manalo man sa 2025 midterm elections.
Noong 2022 elections ay tumakbo na ang naturang doktor bilang vice presidential candidate.