Docu film ng Eraserheads, ilalabas na sa Marso

Docu film ng Eraserheads, ilalabas na sa Marso

ILALABAS na ngayong Marso 21 hanggang 23, 2025 ang documentary film ng Filipino rock band na Eraserheads.

Enero 6 nang ilabas ang teaser ng magiging ‘Eraserheads: Combo on the Run’ Film.

Sa ulat, magiging content ng documentary ang paghihiwalay ng banda at ang journey nila para magkasama muli sa kanilang 2022 concert.

Matatandaang 1993 nang mag-umpisa sa music industry ang Eraserheads na binubuo nina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Marcus Adoro, at Buddy Zabala.

Ang debut album nila ay pinamagatang ‘Ultraelectromagneticpop!’ at mula dito, sumikat na rin ang banda sa mga kanta tulad ng ‘ang Huling El Bimbo’, ‘With a Smile’, ‘Ligaya’, at ‘Pare Ko’.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble