DOE, gagawa ng kautusan para sa mga nais mamumuhunan sa bansa kaugnay sa wind energy

DOE, gagawa ng kautusan para sa mga nais mamumuhunan sa bansa kaugnay sa wind energy

NAKATAKDANG gumawa ng kautusan o executive order ang Department of Energy (DOE) para sa mga negosyanteng nais mamuhunan sa wind energy sa Pilipinas.

Sa pahayag ni Energy Secretary Raphael Lotilla, ang naturang kautusan ay para magkaroon ng pag-aaral hinggil sa wind energy sa bansa at kung paano mabubuksan para sa mga investor.

Matatandaan na kamakailan lang ay binigyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang DOE ng go signal para sa plano nitong saliksikin at paunlarin ang offshore wind (OSW) sa bansa bilang pangunahing pagkukunan ng malinis at pangmatagalang enerhiya.

 

Follow SMNI News on Twitter