DOE, nagdeklara ng price freeze sa LPG at kerosene sa marami pang Agaton hit-areas

DOE, nagdeklara ng price freeze sa LPG at kerosene sa marami pang Agaton hit-areas

NAGDEKLARA ng price freeze ang Department of Energy sa household Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene products sa mas marami pang lugar na nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng Bagyong Agaton.

Sa abiso, sinabi ng Department of Energy (DOE) na epektibo na ngayon ang price freeze sa LPG at kerosene sa Sara at Passi City sa Iloilo City, mula Abril 12 hanggang 26, 2022. 

Samantala, epektibo ang price freeze sa nasabing petroleum products sa Lemery, Iloilo at Potatan Leyte mula Abril 13 hanggang 27, 2022. 

Noong nakaraang linggo nang magdeklara ang DOE ng price freeze sa LPG at kerosene sa ilang lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Follow SMNI News on Twitter