DOE: Suspensiyon ng buwis sa langis ‘di basta puwedeng ipatupad

DOE: Suspensiyon ng buwis sa langis ‘di basta puwedeng ipatupad

SA kabila ng bahagyang pagbaba ng presyo ng langis, nananatiling maugong ang panawagan ng ilang transport groups na suspendihin na lamang ang value-added tax at excise tax sa mga produktong petrolyo upang direktang mapagaan ang pasanin ng mga tsuper at mamimili.

Araw ng Martes, ibinahagi ni Department of Energy (DOE) Officer-in-Charge Sharon Garin na mula sa 70 dollars, bumaba sa 69 dollars per barrel ang presyo ng krudo sa world market.

Binanggit ni Garin na bagama’t nauunawaan ng gobyerno ang sentimyento ng transport sector, iginiit niyang ang suspensiyon ng VAT sa langis ay hindi basta-basta maaaring ipatupad ng ehekutibo.

Ipinaliwanag ng opisyal na hindi pinapayagan ng kasalukuyang batas ang direktang suspensiyon ng mga umiiral na buwis sa langis.

Ang tanging pinapahintulutan lang aniya ay ang pansamantalang pagpigil sa anumang dagdag sa buwis—ngunit sa ngayon, wala namang bagong ipinatutupad na pagtaas.

Para maipatupad ang panawagan ng ilang transport groups na isuspinde ang VAT at excise tax sa langis, sabi ni Garin, kailangan munang gumawa ng bagong batas o kaya’y pag-amyenda mula Kongreso.

“I think, ten pesos yata iyong excise ‘no, that would have a big impact. But the excise tax and the value-added tax which is 12% are imposed because of a law ‘no. Legislation iyan eh, so hindi puwede na iyong DOE can go against what is mandated by law, nor DoF, nor even the President. So, kailangan talagang sundin kung ano iyong nasa batas.”

“So, it will have to be an act of Congress,” pahayag ni Sharon Garin, OIC, Department of Energy.

Binigyang-diin naman ng energy official ang posibleng epekto sa pambansang pondo kung sakaling alisin ang mga buwis sa langis.

Ayon sa kaniya, umaabot sa tinatayang ₱300B ang kinokolekta ng gobyerno mula sa excise tax at VAT sa produktong petrolyo. Ang halagang ito ay ginagamit aniya sa mga proyektong pang-imprastruktura, edukasyon, at serbisyong medikal.

“If we do away with the 300 billion, that’s also how many kilometers of roads, how many school buildings ‘no, health services natin, mababawasan kasi bawas din iyan sa budget ng gobyerno. So, it’s a balance that’s the administration is trying to find na protected ang sumasakay sa public transport pero the basic service should also go on. So, that’s why ayuda might a good start for now,” ani Garin.

Dahil dito, muling iginiit ng DOE na ang kasalukuyang hakbang ng pamahalaan ay ang ‘Ayuda System’ o pagbibigay ng targeted fuel subsidies para sa mga apektadong sektor tulad ng mga driver ng public utility vehicles, magsasaka, at mangingisda.

“Iba-iba rin iyong mga scenarios na ginagamit nila at possibilities of options ‘no. But for DOE, if we start, we have the ayuda system which is to—ang importance of the ayuda for the drivers is that so that they won’t increase their fares ‘no,” aniya pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble