DOE, walang nakikitang problema sa kuryente sa gitna ng El Niño

DOE, walang nakikitang problema sa kuryente sa gitna ng El Niño

WALANG nakikitang banta ng red at yellow alerts ang Department of Energy (DOE) kaugnay sa suplay ng kuryente sa gitna ng nararanasang El Niño na sanhi ng kabawasan ng hydropower sa bansa.

Ayon kay DOE Sec. Raphael Lotilla, hindi nakadepende sa hydropower plants ang bansa.

Kaugnay rito ay sinabi ng DOE na maaaring gumamit ng solar energy upang mapunan ang magiging kabawasan ng suplay ng kuryente mula sa hydropower.

Tinatayang nasa 1,000 megawatts ang combined capacity nito.

Nauna nang sinabi ng Electric Power Industry Management Bureau ng DOE na nasa 70% ang kabawasan ng hydropower capacity.

Sa ngayon, hindi ginagamit ang Angat Power Plant dahil inaayos at mini-maintain ito para hindi mababawasan ang tubig na kailangan para sa agrikultura at water supply.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble