PINALALIM pa ng Department of Health (DOH) at Denmark ang bilateral cooperation para sa Universal Health Care (UHC).
Ngayong araw, nakipagpulong si DOH OIC Maria Rosario Singh-Vergeire kay Danish Ambassador Franz-Michael.
Ito ay upang talakayin ang mga areas of collaboration upang matugunan ang non- communicable diseases, magtatag ng partnerships sa digital health at bumuo ng bilateral knowledge exchange mechanisms sa pagitan ng Pilipinas at Denmark.
Kabilang sa mga tinalakay ang health promotion, capacity building, information sharing, pag-iwas at paggamot ng non-communicable diseases, digital health development, at ang research and development na tinukoy bilang mga priority focus areas na dapat tuklasin nang magkatuwang ng dalawang bansa.
Lubos naman ang pasasalamat ni Vergeire sa gobyerno ng Denmark sa pagtulong sa Ph DOH para mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino.