DOH, binalaan ang mga magsasamantala sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang anumang medical company na nagbebenta ng mga overpriced medical necessities sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa DOH, batay sa section 24 ng Republic Act 9502 o mas kilala bilang universally accessible cheaper and quality medicines act of 2008, ang sinumang magsasamantala sa mga hindi inaasahang sitwasyon sa pamamagitan ng pag-iimbak at pagtatago ng mga gamot, overpricing, illegal combination, formation of cartels, at iba pang iligal na gawain ay maaaring maparusahan ng pamahalaan.

Para naman maiwasan ang pagkukulang sa mga gamot at mga medical supply, pinapayuhan ang lahat na bilihin lamang ang kailangan, huwag mag-tago o mag-imbak ng maraming suplay para ibenta ng mas mahal na presyo.

Pinayuhan din ng DOH, na huwag bumili ng sobra-sobrang mask, alcohol, thermometers at iba pa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.