DOH, binigyang babala ang publiko sa pekeng Facebook page na nagpapakalat ng maling impormasyon

DOH, binigyang babala ang publiko sa pekeng Facebook page na nagpapakalat ng maling impormasyon

NAGBIGAY-babala sa publiko ang Department of Health (DOH) sa peke at nagpapanggap na opisyal na Facebook page ng ahensiya.

Ayon sa DOH, may iniindorso ang pekeng FB page na mga produkto at mga mali-maling impormasyong pangkalusugan.

Tulad na lamang sa isang post nila na nakakagamot umano sa chronic insomnia ang isang milk supplement.

Iginiit naman ng DOH na wala silang iniindorso at pino-promote na mga produkto.

Nakipag-ugnayan na ang ahensiya sa Department of Information and Communication Technology (DICT) upang mabura ang pekeng FB page.

Binibigyang-diin din ng DOH na anumang pahayag, komento, o transaksiyon mula sa nasabing account ay mapanlinlang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble