DOH-CHD Bicol, nag-abiso na patungkol sa kompletong impormasyon sa mga nagpopositibo

DOH-CHD Bicol, nag-abiso na patungkol sa kompletong impormasyon sa mga nagpopositibo

NAGLABAS na ng regional advisory ang Department of Health-Center for Health Development o DOH-CHD Bicol laban sa hindi pagsumite ng kompletong impormasyon hinggil sa mga nagpopositibo sa COVID-19.

Nagpalabas na ng regional advisory ang DOH-CHD Bicol para sa maayos at kompletong impormasyon sa mga nagpopositibo sa buong Bicol Region matapos makapagtala ng 9,000 panibagong kaso ng COVID-19.

Nakasaad sa regional advisory 2021-0182, na ang lahat ng mga doktor ng pampubliko at pribadong ospital, mga allied medical personnels, professional societes, ospitals, clinic, health facilities, laboratories, institutions, workplaces, eskwelahan, prison facilities, mga pantalan, paliparan, establisyimento, komunidad, mga tanggapan ng gobyerno at non-government organizations ay obligadong magbigay ng kompletong impormasyon kaugnay sa kaso ng COVID-19 sa mga kinauukulan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsusumite ng akmang impormasyon sa COVID-19 case investigation form o CIF ng lahat ng mga concerned stakeholders.

Sinumang hindi susunod dito ay mahaharap sa paglabag sa R.A. 11332 o ang “mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act “.

Kabilang na dito ang pagtamper ng records o intensiyunal na hindi pagbibigay ng akmang impormasyon at kawalan ng kooperasyon ng mga tao o entity sa pagrereport ng mga kaso ng sakit na maaaring maka apekto sa publiko.

Ang mga lalabag rito ay makukulong, magmumulta at maaaring suspendihin o matanggalan ng lisensiya ang mga medical professionals maging ang mga Chief Executive Officers, Manager, Presidente o OIC ng mga opisina, institusyon at mga establisyimento.

Samantala, dumating na ang 62,640 doses ng AstraZeneca at Coronavac COVID-19 vaccines sa Legazpi City Airport kamakailan ayon sa DOH Bicol, 39,000 doses nito ay AstraZeneca at 23,640 doses naman ay Coronavac vaccines na ibibigay sa A1 at A2 priority group para sa 2nd dose.

Paalala ng ahesnya sa publiko at lahat ng mga stakeholders na tiyakin ang istriktong impormasyon at pagsunod sa tamang pagrereport ng mga kaso ng sakit sa kanilang area of jurisdiction.

(BASAHIN: 93 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Bicol Region)

SMNI NEWS