DOH, China at UNDP, nagtulungan para mapabuti ang healthcare waste management sa bansa

DOH, China at UNDP, nagtulungan para mapabuti ang healthcare waste management sa bansa

NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Health (DOH) sa China at United Nations Development Programme (UNDP) para mapabuti ang healthcare waste management sa bansa.

Ngayong araw, pinangunahan nina DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, Economic and Commercial Counsellor of the Embassy of China in the Philippines Counsellor Yang Guoliang, UNDP Representative Edwine Carrie at ilan pang opisyal ang pagturn-over sa Pilipinas ng UNDP project na nakapokus sa pagpapabuti ng COVID-19 response sa medical waste management.

Ang proyekto na may titulong “learning experience to improve the ability of response to COVID-19 in Asia and the Pacific” ay pinondohan ng South-South Cooperation Fund.

Ayon sa DOH, ang proyekto ay magpapadali sa pagbibigay ng technical support at training ng mga healthcare professional sa healthcare management.

Sinabi ng DOH na ilang kagamitan ang dinonate sa Pilipinas na ipamamahagi naman sa mga ospital at pasilidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter