DOH, gov’t agencies at LGU, nagsanib para sa pagsusulong ng healthy open spaces

DOH, gov’t agencies at LGU, nagsanib para sa pagsusulong ng healthy open spaces

PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH), katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units (LGUs) ang paglulunsad ng healthy open spaces.

Sa ilalim ng Joint Administrative Order for Healthy Open Spaces, hinimok ang publiko na tangkilikin ang paggamit ng Open/Outdoor Spaces.

Bukod sa malls at closed door areas, hinimok ng DOH ang lahat na puntahan, maglaro, kumain at magsaya sa mga parke, mga kainan para sa dagdag na aktibidad ng mga tao.

Mula rito, makababawas anila ito sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit gaya ng diabetes, tuberculosis, hypertension at marami pang iba dahil sa kakulangan ng aktibidad ng isang tao.

Kasabay ang paalala ng Health Department ng bansa na huwag kalimutan ang pag-iingat laban sa COVID-19 bagamat mas ligtas anila ang publiko mula sa nasabing sakit sa outdoor spaces.

Follow SMNI NEWS in Twitter