HINDI suportado ng Department of Health (DOH) ang marijuana cultivation o ang paggawa ng cannabis products sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ng DOH na kinikilala nila ang pagsisikap na makilala ang cannabis bilang gamot ngunit kailangan na nakabatay ito sa siyensiya at ano ang health impact nito sa publiko.
Noong Pebrero 7, 2024 ay nagkaisa ang House Committee on Dangerous Drugs at Health na aprubahan ang paggamit ng cannabis at marijuana bilang gamot.
Sinabi ng mga mambabatas na nag-apruba sa panukala na bagama’t gagamitin ang pharmaceutical form nito bilang gamot ay mananatili pa rin itong illegal drug batay sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
Ang kinakailangang dosage lang din ng cannabis para sa partikular na sakit ang ibibigay ng doktor.
Sinumang lalabag dito anila sakaling maging ganap na batas ay makukulong ng anim na buwan subalit hindi lalagpas ng anim na taon.
Pagmumultahin din ng P500-K hanggang P1-M.