DOH, iginiit na hindi nawalan ng pondo ang PhilHealth; Mga benepisyo para sa mga miyembro, kaya pang tustusan ng state insurer

DOH, iginiit na hindi nawalan ng pondo ang PhilHealth; Mga benepisyo para sa mga miyembro, kaya pang tustusan ng state insurer

NILINAW ni Health Secretary Ted Herbosa na hindi nawalan ng budget para sa 2025 ang state insurer na PhilHealth.

Ayon sa kalihim, nasa 284 billion pesos ang aprubadong budget para sa PhilHealth sa susunod na taon.

Ang nawala aniya sa state insurer ay ang government subsidy.

Paliwanag ni Herbosa, sa alokasyon ng gobyerno para sa benepisyo sa PhilHealth noong 2024, 63% lang ang na-utilize ng state insurer.

Malaki pa daw ang surplus ng PhilHealth at kaya pa nitong tustusan ang mga benepisyo ng mga miyembro nito.

“Mali po ‘yung sinasasabi ng mga kumukontra, na walang budget ang PhilHealth. Meron po. Napakalaki po ang [ia-approve] na budget ng board ng PhilHealth: 284 billion [pesos] po ang budget for 2025. Ang nawala po ay government subsidy. Ang gastusin for that ay… 271 billion [for benefit expense], 12 billion [sa administrative expense], 0.3 [billion] sa capital outlay. Sa 2024, 63% lang po ang utilization ng pera na in-allocate ng pamahalaan para sa PhilHealth [benefits]. Mababa ‘yun, diba? Kung sa atin [sa DOH], lagpak ‘yun – 63%. Ibig sabihin nun, nagkaroon sila ng “surplus” of 150 billion. Ngayon kung ikaw, binibigyan ka ng baon ng nanay mo, at hindi mo ginagastos, at manghihingi ka pa ng pera na mas marami pa?” pahayag ni Sec. Ted Herbosa, Department of Health.

Sinabi pa nito, nananakot lamang ang mga nagsasabi na nawalan ng budget ang PhilHealth.

“Wala pong mawawalang benepisyo. Mga nananakot lang at nanga-agitate ang nagsasabing mawawala ang benepisyo ng PhilHealth. Napakarami po ng pera ng PhilHealth. ‘Yung 284 na budget [ng PhilHealth], halos kasing laki po ng budget ng DOH ‘yun. Pero tayo [sa DOH] ang nagbibigay ng serbisyo. Tandaan niyo: ang serbisyong pangkalusugan ay bigay ng ating 87 hospitals at mga primary care facilities. At ang PhilHealth, ang trabaho lang niya, ay bayaran lahat ng mga ospital na ito. Kapag sila tinatago nila ‘yung pera sa bangko, eh may problema iyon. Bakit mo bibigyan pa ng pera? Ibayad nila sa mga ospital natin para tuluy-tuloy ang benepisyo sa ospital. Kasi pag hindi pumasok ‘yung pera sa ospital, wala tayong pambili ng gamot, wala tayong pambayad ng suweldo,” ayon pa kay Sec. Herbosa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble