DOH-Ilocos Region, isinusulong ang paggamit ng Generics ngayong Generics Awareness Month

DOH-Ilocos Region, isinusulong ang paggamit ng Generics ngayong Generics Awareness Month

ISINUSULONG ng Department of Health-Ilocos Region ang paggamit ng Generics na gamot ngayong buwan ng Setyembre kasabay ng pagdiriwang ng Generics Awareness Month.

Ang pagdiriwang na ito ay bilang pag-alala na rin sa pagsasabatas ng Generics Act of 1988 o Republic Act No. 6675 na nilagdaan noong Setyembre 13, 1988.

Ang tema ng selebrasyon ngayon taon ay: “Kalusugan ay Palakasin, Generics ay Tangkilikin!”

Saad ng DOH-Ilocos, ito ay mura, epektibo at garantisado para sa kalusugan ng pamilyang Pilipino.

Ngayong Setyembre 10 naman ang pagdiriwang ng World Suicide Prevention Day.

Taon-taon itong idinadaos upang madagdagan ang awareness ng mga tao sa pagpapatiwakal at ma-promote ang preventive measures para mabawasan ang bilang ng mga nagpapakamatay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble