DOH-Ilocos Region, matagumpay na naisagawa ang Mental Health Caravan

DOH-Ilocos Region, matagumpay na naisagawa ang Mental Health Caravan

MATAGUMPAY na naidaos ng Department of Health (DOH)-Ilocos Center for Health Development ang isang Mental Health Caravan sa Bauang, La Union ngayong araw Martes, Setyembre 19, 2023.

Kasama rin sa aktibidad na ito ang National Center for Mental Health para sa pag-obserba ng World Suicide Prevention Day.

Layunin nito na maiwasan ang mental illnesses at maiwasan ang paglala ng sitwasyon ng isang tao na dumadanas ng psychological o mental problems.

Nalalaman din dito na walang pinipili ang mental illnesses, mayaman man o mahirap.

Samantala, ang maaring gawin ng mga gustong tumulong ay gawing available ang sarili at tulungan ang mga ito na ma-access ang mental health services.

Puwede ring turuan ng self-care at coping techniques at tratuhin na may respeto.

Para maiwasan ang mental illness, dapat may magandang relasyon sa kapwa, healthy diet, cope with stresses in life, work productively, make meaningful contributions and realize your full potential.

Samantala, ang mental illnesses ay maaaring dahil sa anxiety o substance abuse.

Sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag sa unlimited calls nationwide sa numerong 1800-1888-1553.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble