DOH, inirerekomenda ang granular lockdowns sa Manila at iba pag lugar na may kaso ng Delta variant

DOH, inirerekomenda ang granular lockdowns sa Manila at iba pag lugar na may kaso ng Delta variant

INABISUHAN ng Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan ng Maynila at iba pang local government units (LGUs) na sa ngayon ay hindi pa kailangang magpatupad ng malawakang lockdowns sa mga lugar na apektado ng mga nakahahawang Delta variant at COVID-19.

Ayon sa ahensiya, sapat na muna ang granular lockdowns.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Delta variant cases sa Maynila ay “manageable pa” dahil nagpapatupad naman ang lokal na pamahalaan ng epektibong Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy laban sa pagkalat ng coronavirus.

Ani Vergeire, nakita nilang epektibo ang PDITR response ng Maynila kung kaya’t ang abiso nila kay Manila Mayor Isko Moreno ay magpatupad ng granular lockdowns sa mga apektadong lugar at araw-araw nilang pag-aaralan kung kailangang mas taasan ang restriksyon at muling ipatupad ang NCR Plus bubble.

Sa ngayon ay nasa 35 ang naitalang kaso ng Delta variant sa bansa kabilang na ang pinakahuling 16 bagong kaso na inanunsyo noong Biyernes.

Sa 16 na kaso, lima sa mga ito returning Overseas Filipino at 11 ay na-detect sa mga komunidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.