DOH, ipinaalala na iwasan ang “unhealthy foods” ngayong holiday season

DOH, ipinaalala na iwasan ang “unhealthy foods” ngayong holiday season

IPINAALALA ng Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang mga unhealthy na pagkain sakaling dadalo sa iba’t ibang parties at family reunions ngayong holiday season.

Ayon kay DOH Usec. Eric Tayag, kung hindi maiiwasan ay magreresulta lang ito ng health issues.

Kasama sa partikular na ipinaalala ang dahan-dahang pagkain ng sobrang tamis o sobrang maalat na mga pagkain maging ang pag-inom ng alcoholic drinks.

Payo ni Usec. Tayag, makipagkuwentuhan na lang sa mga kasama sa parties para maiwasan ang sobra-sobrang pagkain.

Huwag din aniya kalimutan na magsuot ng face mask kung kinakailangan dahil tumataas din ang kaso ng COVID-19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble