DOH, kukuha ng quick substitution lists para pamalit sa mga aatras sa araw ng bakuna

PINAYUHAN na ng Department of Health (DOH) ang mga initial site para sa vaccination na gumawa ng quick substitution lists para sa mga nakalista na umatras sa pagpapabakuna.

Ito ay upang maiwasan na masayang ang mga bakuna na nakalaan para sa mga nakalista.

Pahayag ito ni DOH USec. Maria Rosario Vergeire sa regular press briefing ng kagawaran.

“So, we don’t want to have wastage dito po sa ating deployment program. So, we already have this quick substitution list,” pahayag ni Vergeire.

Ani Vergeire, sa ngayon, kumukuha na ng listahan ang DOH para sa mga ipapalit kung sakaling hindi magpapabakuna sa nakatakdang araw ang nakalista na.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.