DOH, makakakuha ng 3M doses ng pertussis vaccines mula India

DOH, makakakuha ng 3M doses ng pertussis vaccines mula India

MAKAKAKUHA ng nasa tatlong milyong doses ng bakuna kontra pertussis ang Department of Health (DOH) mula sa Serum Institute of India.

Sa pamamagitan nito ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, tiyak na ang suplay ng bakuna para sa buwan ng Mayo at Hunyo.

Sa unang bahagi ng taong 2024 ay nag-order na ang DOH ng anim na milyong doses ng bakuna para sa sakit at darating ito sa Hulyo.

Mula Enero hanggang Marso 30 ay nasa 1.1K (1, 112) na ang kaso ng pertussis sa buong Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble